Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 135
  • Magkakaroon ng Kapayapaan sa Buong Mundo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkakaroon ng Kapayapaan sa Buong Mundo
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang gagawin ni Jesus
  • Ang itinuro ni Jesus
  • “Ang Kapayapaan ng Diyos” ang Mag-ingat Nawa sa Inyong Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Tunay na Kapayapaan—Saan Kaya Magmumula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Sino ang Aakay sa Sangkatauhan sa Kapayapaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kapayapaan ng Diyos Para sa mga Tinuruan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 135
Si Jesus na nagtuturo sa iba’t ibang uri ng mga tao.

MATUTO KAY JESUS

Magkakaroon ng Kapayapaan sa Buong Mundo

Gusto ng lahat ng tao na mabuhay sa isang mundong payapa. Noon pa man, sinisikap na ng mga tagapamahala sa buong mundo na wakasan ang mga kaguluhan at ibalik ang kapayapaan. Nagagawa naman nila ito kung minsan. Pero nakakalungkot, pansamantala lang ito. Magiging payapa pa kaya ang buong mundo? Oo! Tingnan kung ano ang matututuhan natin kay Jesus.

Ang gagawin ni Jesus

Sinasabi sa Bibliya kung ano ang malapit nang gawin ni Jesus para maging payapa ang buong mundo.

  • “[Si Jesus] ay tatawaging . . . Prinsipe ng Kapayapaan. Ang paglawak ng pamamahala niya at ang kapayapaan ay hindi magwawakas.” (Isaias 9:6, 7) Si Jesus ang Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos at magkakaroon ng walang-hanggang kapayapaan sa buong mundo sa ilalim ng pamamahala niya.

  • “Ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong . . . at ang sinumang walang katulong.” (Awit 72:12-14) Gagamitin ni Jesus ang awtoridad niya para maglapat ng tunay na katarungan, wakasan ang lahat ng digmaan, karahasan, at paghihirap.

  • “Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa, at hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.” (Isaias 2:4) Sa ilalim ng pamamahala ni Jesus, matututong makipagpayapaan ang lahat ng tao sa halip na makipagdigma.

Para malaman kung paano gagawing payapa ni Jesus ang buong mundo at kung ano ang dapat mong gawin para mabuhay doon, panoorin ang maikling video na Ano ang Kaharian ng Diyos?

Ang itinuro ni Jesus

Kahit sa ngayon, milyon-milyon ang natutulungan ng mga turo ni Jesus na mamuhay nang payapa. Sa kilalang Sermon sa Bundok, nagturo si Jesus ng mga prinsipyong tumutulong sa mga tao na makipagpayapaan. Tingnan ang ilang halimbawa.

  • “Maligaya ang mga mapagpayapa.” (Mateo 5:9) Hindi lang pinasigla ni Jesus ang mga tagasunod niya na umiwas sa alitan, kundi makipagpayapaan din.

  • “Makipagkasundo ka muna sa kaniya, at saka ka bumalik para ialay ang handog mo.” (Mateo 5:23, 24) Pinasigla ni Jesus ang mga tagapakinig niya na ayusin agad ang mga di-pagkakaunawaan. Itinuro niya na kailangan nating makipagpayapaan para magkaroon tayo ng magandang kaugnayan sa Diyos.

  • “Huwag na kayong humatol para hindi kayo mahatulan.” (Mateo 7:1) Nagpayo si Jesus na huwag maging mapamuna kasi nagiging dahilan iyon ng di-pagkakaunawaan o alitan. Sa halip na hanapan ng mali ang iba, pinayuhan ni Jesus ang mga tagasunod niya na ‘patuloy na patawarin’ ang pagkakamali ng kapuwa nila.​—Lucas 6:37.

Isinasabuhay ng maraming tao sa buong mundo ang mga turo ni Jesus. Kahit sa mga lugar na laganap ang karahasan o kaguluhan, natututo silang ayusin ang mga alitan nang walang galit, magpatawad, at magpakita ng pag-ibig kahit ginagawan sila ng masama.

Para malaman kung paano nakatulong sa ibang tao ang mga turo ni Jesus, basahin ang artikulong “Kung Paano Magkakaroon ng Kapayapaan Kahit May Digmaan at Kaguluhan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share