Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
Mag-Log Out
Mag-Log In
Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Ngayon

Biyernes, Oktubre 16

Huwag mong hayaang maakit ang puso mo sa mga daan niya. Huwag kang gumala-gala sa kaniyang mga landas.​—Kaw. 7:25.

Ipinapakita ng ulat na ito ni Solomon ang puwedeng mangyari sa kahit sinong lingkod ni Jehova. Puwede siyang makagawa ng malubhang kasalanan, at pagkatapos, maisip niyang bigla lang nangyari iyon. Pero kung pag-iisipan niya ito, malamang na makita niyang may nagawa muna siyang maling mga desisyon bago siya nagkasala. Baka nakipagkaibigan siya sa mga hindi lingkod ni Jehova, pumili ng kuwestiyunableng libangan, o baka paulit-ulit siyang pumunta sa mga website o lugar na hindi para sa mga Kristiyano. Posible rin na tumigil na siyang manalangin, magbasa ng Bibliya, dumalo sa pulong, o mangaral. Gaya ng kabataang lalaki sa Kawikaan, baka hindi naman talaga biglaan ang nagawa niyang kasalanan. Ano ang natutuhan natin? Dapat nating iwasan, hindi lang ang mismong kasalanan, kundi pati na ang mga desisyon na umaakay dito. Iyan mismo ang ipinaliwanag ni Solomon pagkatapos niyang sabihin ang nangyari.​—Mat. 5:​29, 30. w24.07 16 ¶10-11

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2026

Sabado, Oktubre 17

Ibinigay sa amin ang kayamanang ito kahit gaya lang kami ng mga sisidlang luwad.​—2 Cor. 4:7.

Ano ang kayamanang ito? Ang nagliligtas-buhay na gawaing pangangaral ng mensahe ng Kaharian. (2 Cor. 4:1) Ano naman ang mga sisidlang luwad? Tumutukoy ito sa mga lingkod ng Diyos na naghahatid ng mabuting balita sa iba. Noong panahon ni Pablo, ginagamit ng mga negosyante ang mga banga na lalagyan para maghatid ng mahahalagang produkto, gaya ng pagkain at alak, pati na ng pera. Ipinagkatiwala ni Jehova sa atin ngayon ang napakahalagang mensahe ng mabuting balita. Sa tulong niya, magkakaroon tayo ng lakas na maihatid ang mensaheng ito. Minsan, baka matakot tayo sa tao o mag-alala sa magiging reaksiyon nila. Ano ang makakatulong sa atin? Pag-isipan ang panalangin ng mga apostol nang utusan silang huwag nang mangaral. Imbes na magpadaig sa takot, nanalangin sila kay Jehova na tulungan silang patuloy na magsalita nang walang takot. Sinagot agad ni Jehova ang panalangin nila. (Gawa 4:​18, 29, 31) Kaya kung nahihirapan kang mangaral dahil sa takot sa tao, sabihin kay Jehova na tulungan kang mapalalim ang pag-ibig mo sa mga tao para madaig mo ang takot. w24.04 16 ¶8-9

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2026

Linggo, Oktubre 18

Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang pangalan mo.​—Mat. 6:9.

Mahal natin si Jehova kaya gusto nating mapabanal ang pangalan niya. Gusto nating malinis ang pangalan niya sa mga kasinungalingang ikinakalat ni Satanas tungkol sa Kaniya. (Gen. 3:​1-5; Job 2:4; Juan 8:44) Kapag nangangaral tayo, sinasabi natin sa mga taong handang makinig ang katotohanan tungkol sa Diyos natin. Gusto nating malaman ng lahat na napakamapagmahal niya at na matuwid at makatarungan ang pamamahala niya. (1 Juan 4:8) Sinasabi rin natin sa kanila na malapit nang alisin ng Kaharian niya ang lahat ng problema, kaya magiging payapa at masaya ang lahat ng tao. (Awit 37:​10, 11, 29) Kapag itinuturo natin ang mga ito sa ministeryo, napapabanal natin ang pangalan ni Jehova. Dahil din dito, nagiging masaya tayo, kasi nagagawa natin ang dapat nating gawin bilang mga Saksi niya. At isang karangalan para sa atin na tawagin sa pangalang ito. w24.05 18 ¶12

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2026
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share