Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w25 Disyembre p. 31
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Kaparehong Materyal
  • Natatandaan Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Seksiyon 1
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
w25 Disyembre p. 31

Natatandaan Mo Ba?

Nabasa mo bang mabuti ang mga isyu ng Bantayan sa taóng ito? Tingnan kung masasagot mo ang mga sumusunod:

Bakit natin niluluwalhati si Jehova?

Ginagawa natin iyan kasi malaki ang respeto natin kay Jehova at mahal na mahal natin siya. Niluluwalhati rin natin siya dahil gusto nating makilala siya ng iba.​—w25.01, p. 3-4.

Kapag may nakasakit sa atin, paano tayo magiging mapagpatawad?

Huwag nating bale-walain ang nararamdaman natin; pero kailangan din nating alisin ang galit sa puso natin para hindi na ito makaapekto sa pakikitungo natin sa iba.​—w25.02, p. 15-16.

Bakit magandang halimbawa ang alagad na si Marcos para sa mga kabataang brother?

Handang tumanggap ng atas si Marcos. Malamang na nasaktan at nadismaya siya sa isang pangyayari sa buhay niya, pero hindi siya sumuko. Nakipagkaibigan siya kay Pablo at sa iba pang mga tapat na Kristiyano.​—w25.04, p. 27.

Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang ipanalangin niya: “Ipinakilala ko sa kanila ang pangalan mo”? (Juan 17:26)

Alam na ng mga alagad ni Jesus ang pangalan ng Diyos. Ang itinuturo niya sa kanila ay kung sino talaga si Jehova. Kasama na diyan ang mga layunin, ginawa, at katangian ng Diyos.​—w25.05, p. 20-21.

Kung mapagpakumbaba tayo, ano ang kailangan nating tanggapin?

Kailangan nating tanggapin na hindi natin alam ang lahat. Halimbawa, hindi natin alam kung kailan darating ang wakas o kung paano kikilos si Jehova sa panahong iyon. Hindi rin natin alam kung ano ang mga puwedeng mangyari sa atin o kung gaano tayo kakilala ni Jehova.​—w25.06, p. 15-18.

Ano ang puwede nating gawin para makinabang tayo sa isang artikulo o pahayag pangmadla?

Tanungin ang sarili: ‘Anong ebidensiya at pangangatuwiran ang ginamit para makumbinsi ang mga taong nagbabasa o nakikinig? May ilustrasyon bang ginamit doon na puwede ko ring gamitin sa pagtuturo sa iba? Kanino kaya babagay ang paksang ito?’—w25.07, p. 19.

Ano ang matututuhan natin sa pagpapatawad ni Jehova kay David?

Seryoso ang mga kasalanang nagawa ni David, pero dahil talagang nagsisi siya, pinatawad siya ni Jehova. (1 Hari 9:​4, 5) Kapag pinatawad na tayo ni Jehova, hindi na niya tayo paparusahan o sisisihin dahil doon.​—w25.08, p. 17.

Kung nahihirapan sa isang punto ang bina-Bible study mo, ano ang puwede mong gawin?

Kung nahihirapan siya sa isang punto kahit sinikap mo nang ituro iyon mula sa Bibliya, balikan na lang iyon sa susunod.​—w25.09, p. 24.

Sinasabi ng Bibliya na may “mapandayang kapangyarihan” ang kasalanan. (Heb. 3:13) Ano ang ibig sabihin nito?

Nagmana tayo ng kasalanan, kaya may tendensiya tayong gumawa ng mali. Dahil din sa kasalanan, may mga pagdududa tayo, gaya ng kung mahal ba talaga tayo ng Diyos.​—w25.10, p. 16.

Anong tatlong bagay ang puwede nating gawin para mas masabi natin sa panalangin ang nararamdaman natin?

(1) Puwede nating pag-isipan ang mga katangian ni Jehova. (2) Puwede rin nating pag-isipan kung anong problema ang kinakaharap natin ngayon, gaya ng kung nahihirapan tayong patawarin ang isang tao. (3) Huwag tayong magmadali kapag nananalangin para mas masabi natin ang nararamdaman natin.​—w25.10, p. 19-20.

Paano natin matutulungan ang mga may-edad?

Puwede natin silang dalawin o tawagan. Puwede rin natin silang samahan kapag may checkup sila. O puwede rin natin silang samahan sa iba’t ibang anyo ng ministeryo.​—w25.11, p. 6-7.

Ano ang mga puwedeng gawin ng Kristiyanong magkasintahan para maparangalan nila si Jehova sa kasal nila?

Sundin ang mga batas ng gobyerno sa pagpapakasal. Siguraduhing mga katangian na bunga ng espiritu ng Diyos ang makikita sa seremonya at handaan ng kasal. Maging mahinhin sa pananamit at iwasan ang mga kaugaliang hindi kaayon ng Bibliya. Pag-usapang mabuti ang mga plano sa kasal.​—w25.12, p. 21-24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share