STUDY PROJECT
Magtiwala sa Kakayahan ni Jehova na Magligtas
Basahin ang Bilang 13:25–14:4 para malaman kung paano nawalan ng tiwala ang mga Israelita kay Jehova.
Pag-isipan ang konteksto. Ano sana ang nakatulong sa mga Israelita na patuloy na magtiwala na kaya silang iligtas ni Jehova paglabas nila ng Ehipto? (Awit 78:12-16, 43-53) Bakit nawalan sila ng tiwala kay Jehova? (Deut. 1:26-28) Paano ipinakita nina Josue at Caleb na nagtitiwala sila kay Jehova?—Bil. 14:6-9.
Pag-aralan. Ano sana ang ginawa ng mga Israelita para mapatibay pa ang pagtitiwala nila kay Jehova? (Awit 9:10; 22:4; 78:11) Paano makakatulong ang matinding paggalang natin kay Jehova para mas magtiwala tayo sa kaniya?—Bil. 14:11.
Hanapin ang mga aral. Tanungin ang sarili:
‘Sa anong mga sitwasyon ako puwedeng mahirapan na lubusang magtiwala kay Jehova?’
‘Paano ko mapapatibay ang pagtitiwala ko kay Jehova ngayon at sa hinaharap?’
‘Ano ang sigurado ako na mangyayari kapag nagsimula na ang malaking kapighatian?’—Luc. 21:25-28.