MATUTO KAY JESUS
“Makaririnig Kayo ng Ingay ng mga Digmaan”
“Mula noong maging journalist ako noong 1960’s, nakapag-ulat na ako nang mahigit sa 40 digmaan. Nasaksihan ko ang kasagsagan ng Cold War at kung paano ito biglang natapos. Pero iba ang 2025. Ngayon lang ako nag-alala nang ganito. Bukod sa napakaraming nangyayari na malalaking digmaan, may isa sa mga iyon ang posibleng makaapekto nang malaki sa mundo.”—John Simpson, BBC world affairs editor.
Nag-aalala ang mga tao sa mga nangyayaring digmaan sa mundo. Iniisip ng marami kung matatapos pa ang mga iyon. Ano ang itinuro ni Jesus?
Ang itinuro ni Jesus
Inihula na ni Jesus ang mga pangyayaring nakikita natin sa ngayon. Nagbabala siya sa mga tagasunod niya: “Makaririnig kayo ng ingay ng mga digmaan at ng mga ulat ng digmaan.”—Mateo 24:6.
Totoo, nakakapag-alala ang mga digmaan at kaguluhan sa ngayon, pero may dahilan pa rin tayong umasa na may mangyayaring maganda. Bakit? Kasi itinuro ni Jesus na ang malalaking digmaan—kasama ng iba pang pangyayari, kalagayan sa mundo, at pag-uugali ng mga tao—ang bubuo sa “tanda” ng “katapusan ng sistemang ito.” (Mateo 24:3; Lucas 21:7) Ipinapakita niyan na darating ang panahon na aalisin ni Jesus ang mga digmaan. Paano?
Ang gagawin ni Jesus
Bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, malapit nang kumilos si Jesus para ‘patigilin ang mga digmaan sa buong lupa.’—Awit 46:9.
Para malaman pa kung paano mangyayari ang napakagandang kinabukasang ito at ang magiging buhay natin sa panahong iyon, basahin ang artikulong “Kung Paano Magwawakas ang Digmaan at Kaguluhan.”