Pahina ng Pamagat/Pahina ng mga Tagapaglathala
2009 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Naglalaman ng Ulat Para sa 2008 Taon ng Paglilingkod
Ang aklat na ito ay kay ․․․․․
“Lubusang Magpatotoo sa Mabuting Balita.”—GAWA 20:24.
Natapos na ni apostol Pablo ang kaniyang tatlong paglalakbay bilang misyonero at nagkaroon siya kapuwa ng mga problema at mga pagpapala. Papunta na siya ngayon sa Jerusalem, kung saan inaasahan na niyang hindi siya malugod na tatanggapin dahil “mga gapos at mga kapighatian” ang naghihintay sa kaniya roon. (Gawa 20:23) Pero hindi siya nasiraan ng loob. Ganito ang sinabi niya sa matatanda sa kongregasyon ng Efeso noong nasa Mileto sila: “Hindi ko itinuturing ang aking kaluluwa na may anumang halaga at waring mahal sa akin, matapos ko lamang ang aking takbuhin at ang ministeryo na tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, na lubusang magpatotoo sa mabuting balita tungkol sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.”—Gawa 20:24.
Mahalaga kay Pablo ang kaniyang buhay, pero ang pinakamahalaga sa kaniya ay ang gawin ang kalooban ng Diyos. Ganiyan din ang pangmalas ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Bagaman sila ay “mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa,” gaya ng inihula ni Jesus, dinala ng bayan ng Diyos ang mabuting balita hanggang sa mga dulo ng lupa at lakas-loob silang nangangaral sa halos lahat ng mga bansa. (Mat. 24:9) Sana’y mapasigla ka ng taunang teksto para sa 2009 na patuloy na magpatotoo nang walang humpay, at sa gayo’y maipakita mo ang pagpapahalaga sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.
[Picture Credit Line sa pahina 2]
Photo Credits: Pahina 168: Franc Drozg, letter; Photo Archive-Museum of National Liberation Maribor, Slovenia