Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/07 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Subtitulo
  • Linggo ng Mayo 14
  • Linggo ng Mayo 21
  • Linggo ng Mayo 28
  • Linggo ng Hunyo 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 5/07 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Mayo 14

Awit 205

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Mayo 15 ng Bantayan at ang Mayo ng Gumising!

20 min: Pagsuporta sa Gawaing Pang-kaharian sa Ating Lugar at sa Buong Daigdig. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, kabanata 12.

15 min: “Siya ay Nagbibigay ng Lakas sa Pagod.”a Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa binanggit na mga kasulatan.

Awit 1 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 21

Awit 41

10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang mga tagubilin sa pangunguna ng mga bahagi sa pulong sa “Tanong” sa pahina 3.

15 min: Maaari Mong Matutuhan ang Ibang Wika! Pahayag batay sa Gumising! ng Marso 2007, pahina 10-12. Itampok ang kahalagahan ng pag-aaral ng ibang wika sa layuning palaganapin ang mabuting balita. Ipaalaala sa mga gustong mag-aral na hindi ito madaling gawin at hindi nagagawa sa loob ng maikling panahon lamang, at nangangailangan ito ng puspusang pag-aaral at pagsasakripisyo.

20 min: “Ipinagtatanggol Mo ba ang Salita ng Diyos?”b Banggitin ang komento sa mga kahon sa pahina 143-4 ng aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo.

Awit 202 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 28

Awit 46

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Mayo. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hunyo 1 ng Bantayan at ang Hunyo ng Gumising!

20 min: Itampok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya sa Hunyo. Banggitin ang mga tampok na bahagi ng aklat at repasuhin ang mga halimbawang presentasyon tulad ng nasa Ating Ministeryo sa Kaharian, isyu ng Pebrero 1999. Itanghal kung paano iaalok ang aklat gamit ang mga halimbawang presentasyon o iba pang presentasyong mabisa sa inyong teritoryo. Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa mabubuting resulta ng paggamit sa publikasyong ito sa pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala o mismong kapamilya.

15 min: Mga Karanasan sa Larangan. Ilahad ang mga karanasan ng mga auxiliary pioneer at ng iba pang mamamahayag na nagsikap palawakin ang kanilang pakikibahagi sa larangan nitong Marso, Abril, at Mayo. Ilahad din ang mga karanasan ng mga dumalaw-muli sa mga nabigyan ng magasin sa layuning makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Maaaring isadula ang isa o dalawang natatanging karanasan.

Awit 21 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 4

Awit 99

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Turuan ang Inyong mga Anak na Purihin si Jehova.”c Kapag tinatalakay ang parapo 4, banggitin ang mga komento sa Hulyo 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 3.

Awit 169 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share