Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 2/15 p. 28
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Hijacking Fossils”
  • “Punô ng Dugo”
  • ‘Ibigay kay Cesar ang kay Cesar’
  • Pagbabayad kay Cesar ng mga Bagay na kay Cesar
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • “Kung May Obligasyon Kayo sa Buwis, Bayaran Ninyo ang Buwis”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Dapat Ka Bang Magbayad ng Iyong mga Buwis?
    Gumising!—2003
  • Pandaraya sa Siyensiya—Nasa mga Ulong-Balita
    Gumising!—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 2/15 p. 28

Ang Kahulugan ng mga Balita

“Hijacking Fossils”

Sa ilalim ng ganiyang titulo, ang pahayagang Pranses na Le Monde ay nag-ulat ng tungkol sa isang paleontologo sa India na “may 20 taon . . . na nanlinlang sa kaniyang mga kasamahan tungkol sa pinagmulan ng mga labí (fossils) ng mga hayop at halaman na kaniyang ibinigay sa kanila para kanilang suriin.” Sinasabing ang “hijacking” (panghaharang) ay tungkol sa pagpapadala sa kanila ng mga labíng iyon na kinuha sa Estados Unidos, Aprika, Czechoslovakia, at sa British Isles, anupa’t kaniyang sinabi na ang mga ito ay natuklasan sa Kabundukang Himalaya. Ang kaniyang mga natuklasan ay inilathala ng siyentipiko sa mahigit na 300 artikulo. Ang panlilinlang ay ibinunyag ng isang siyentipikong Australyano sa pamamagitan ng siyentipikong magasing Britano na Nature. Hindi niya maubos-maisip kung ‘papaano nangyaring ang ganiyang napakaraming nakapagdududang mga tuklas ay nanatiling walang sumasalungat sa loob ng gayong mahabang panahon.’

Ang isang dahilan marahil, sang-ayon sa Le Monde, ay ang batas ng pagsasawalang-kibo na sinusunod ng maraming mga nasa komunidad ng mga siyentipiko. Binanggit ng artikulo na ang ‘panghaharang’ na ito ng gayong mga labí ay “nagsawalang-kabuluhan sa halos lahat ng mga katotohanang natipon [noong nakalipas na 20 taon] tungkol sa heolohiya ng Himalayas.”

Maliwanag, ang bagong kasong ito ng panlilinlang sa siyensiya ay hindi naman naglalagay ng duda sa buong daigdig ng mga siyentipiko. Gayunman, nagbibigay ito ng isa pang patotoo na ang mga argumento ng paleontolohiya pagka inihambing sa walang pagkabisalang pagiging katotohanan ng ulat ng Bibliya ay wala kundi yaong sinasabi ni apostol Pablo na “ang mga pagkakasalungatan ng ‘kaalaman’ na hindi naman nga kaalaman.”​—1 Timoteo 6:20, The New Jerusalem Bible.

“Punô ng Dugo”

Sa Colombia, Timog Amerika, ang malulupit na mga kapitalista sa bawal na gamot (droga) ay nakikipag-ugnayan sa mga kabataang lalaki upang iligpit ang kanilang mga karibal o maghasik ng kaguluhan sa gitna ng mga pulitiko at ng mga mamamayan sa pangkalahatan. Isa sa gayong sicario, o binabayarang mamamatay-tao, ay nagsabi sa mga reporter ng Tiempo, isang magasin ng balita sa Kastila, na ‘ang kakila-kilabot na pamamaslang ay napakahirap.’ Papaano niya inaaliw ang kaniyang budhi? Ang paliwanag niya ay ganito: “Alam ko na isa sa mga kautusan ng Diyos ay ang huwag kang papatay, pero sa aking kaso ay isang suliranin iyan ng isang tao na kailangang pumatay upang mabuhay. Ako’y pumapatay na taglay ang magaang na budhi sapagkat kailangan ko ng salapi. Hindi ba ninyo nakikitang ginagawa ko iyan dahil sa kailangang mabuhay ako sa papaano man? . . . Bago humayo upang patayin ang sinuman, ako’y nagdarasal sa Diyos at sa Birhen upang ako’y kanilang iligtas.”

Bagaman ang ganitong uri ng pangangatuwiran ay tatanggihang tuwiran ng mga teologong Katoliko, ang mga pinuno naman ng simbahan ay umaayon sa armadong pakikipagbaka “bilang huling paraan upang wakasan ang isang maituturing na matagal nang kalupitan.” Kung ipinagwawalang-bahala ng mga teologo ang karahasan at makapulitikang paniniil, katakataka ba na may mga Katoliko, tulad nitong sicario, na ipinangangatuwiran ang pagpatay dahilan sa kahirapan ng kaniyang kabuhayan? Lubhang mapanganib nga na ikumpromiso ang Salita ng Diyos!

Nang gabi na noo’y mga ilang saglit lamang at magaganap ang pinakamalaking kalupitan kailanman​—may kaugnayan sa pagdakip, paglitis, at pagpatay kay Jesu-Kristo​—si Jesus mismo ay tumangging mag-isip man lamang ng anumang uri ng karahasan. Sinabi niya kay Pedro: “Lahat ng humahawak ng tabak ay mamamatay sa tabak.” (Mateo 26:52, Revised Standard Version, edisyong Katoliko) Kung katuwiran ang pagbabatayan, papaano ngang ang mga taong gumagamit ng karahasan ay makaaasang sila’y pakikinggan ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat sa anumang kalagayan, yamang ang hula ni Isaias ay malinaw na nagsasabi: “Kahit na kayo’y manalangin ng marami, hindi ako makikinig; ang inyong mga kamay ay punô ng dugo”?​—Isaias 1:15, RS, edisyong Katoliko.

‘Ibigay kay Cesar ang kay Cesar’

Ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis ay patuloy na nagiging suliranin sa maraming bansa. Halimbawa, sa Espanya ang pahayagang El Diario Vasco ay nag-uulat na kapuwa ang mga namimili at ang mga nagbibili ay may kaugalian na kusang pagkukubli ng aktuwal na presyo ng ari-ariang binili. Bagaman ang bumili at ang nagbili ay marahil nagkasundo sa presyo na aktuwal na ibinayad, isang lalong mababang halaga ang isinusulat sa kasulatan ng pagbibilihan. Pagkatapos ng pagbibilihan, nagbabayad ng buwis ayon sa nakaulat na halaga ng ari-arian. Iniulat ng El Diario Vasco ang sinabi ng notario publikong si José María Segura Zurbano na bagaman ang mga notario ay hindi aktuwal na may bahagi sa panlilinlang, batid nila na ang halaga ng ari-arian na kanilang iniuulat ay hindi siyang tunay na halaga. Kaniyang napansin ang isang kataliwasan sa ganitong pandaraya kaya sinabi ni Zurbano: “Sa bansang ito bawat isa at pati kaniyang kapuwa ay nagsisinungaling, maliban sa mga Saksi ni Jehova. Pagka sila’y bumibili o nagbibili, ang halaga [ng ari-arian] na kanilang idinideklara ay yaong talagang katotohanan.”

Ang mga Saksi ni Jehova ay kilalang-kilala dahil sa kanilang pagiging mapagtapat at di-magdaraya. Batid nila na inaasahan ng Diyos na Jehova na ang kaniyang mga lingkod ay magpapakita ng gayong mga katangian sa lahat ng kanilang pakikitungo. Kinapopootan ng Diyos ang “isang sinungaling na dila” at ang “isang sinungaling na saksing nagsasalita ng kabulaanan.” Tungkol sa pagbabayad ng buwis, si Jesu-Kristo ang nagbigay ng pamantayan para sa kaniyang tunay na mga tagasunod nang kaniyang sabihin: “Ibigay ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”​—Kawikaan 6:6-19; Marcos 12:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share