Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 10/1 p. 32
  • Pakinggan ang Pagbabasa sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakinggan ang Pagbabasa sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Magkaroon ka ng mga cassette ng Bibliya sa album na magaang dalhin
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 10/1 p. 32

Pakinggan ang Pagbabasa sa Bibliya

Magkaroon ka ng mga cassette ng Bibliya sa album na magaang dalhin

“Mistulang kayamanan sa akin ang mga cassette,” ang banggit sa sulat ng isang babaeng taga-Alemanya. “Ang dahilan?” ang tanong niya. “Ako’y nakaranas ng isang di-grabeng aksidente sa kotse at nagkalamat ang aking bungo. Kaya noong nakalipas na 8 araw ay naparatay ako sa ospital na may kasabay na pananakit ng ulo kung kaya’t hindi ako makapagbasa, makaupo, abp.

“Sa gabi nakahiga ako sa karimlan, na kung kailan lalong mahirap na matulog, at nanonood ng isang pelikula sa aking ulunan habang nakikinig ako sa Genesis, Exodo . . . Ngayon ay unti-unting nakikilala ko si apostol Pedro at Juan sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga liham, sa tuwina’y minamahal, pero ngayon ay nauunawaan ko ang bawat detalye habang paulit-ulit na nagpapatugtog ako.

“Ako’y nagpapasalamat sa inyo sa kaibuturan ng aking puso na ang mga oras ng aking karamdaman at pag-iisa ay medyo napagtiisan ko dahilan sa inyong patiunang pagsasaalang-alang at sigasig sa pangangalaga ng aking espirituwal na kapakanan.”

Ikaw rin naman ay maaaring makinabang sa mga isinaplakang cassette na ito ng New World Translation of the Holy Scriptures. Ang album ng kumpletong Griegong Kasulatan mula sa Mateo hanggang Apocalipsis (18 cassette), ay ₱450.00. Makukuha rin ang dalawang album ng Hebreong Kasulatan. Ang una ay may Genesis hanggang Ruth sa 18 cassette at ito’y ₱450; ang ikalawang album ay may 21 cassette na binubuo ng 1 Samuel tuluy-tuloy hanggang Mga Awit at ₱500.00.

Pakisuyong markahan ang mga kinauukulang kahon kung anong mga Cassette album ang ibig ninyo, ilakip ang kaukulang halaga.

□ Ako’y naglakip ng ₱450 para sa album ng “Bagong Tipan”.

□ Ako’y naglakip ng ₱450 para sa album ng Genesis patuloy hanggang Ruth.

□ Ako’y naglakip ng ₱500 para sa album ng 1 Samuel tuluy-tuloy hanggang Mga Awit. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share