Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb26 Marso p. 6-7
  • Marso 23-29

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Marso 23-29
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2026
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2026
mwb26 Marso p. 6-7

MARSO 23-29

ISAIAS 48-49

Awit Blg. 89 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Alamin at Isabuhay ang Itinuturo sa Iyo ni Jehova

(10 min.)

Tinuturuan ni Jehova ang mga lingkod niya (Isa 48:17; it “Guro, Pagtuturo” ¶2)

Dapat nating piliing makinig kay Jehova (Isa 48:18a; ijwbq artikulo 44 ¶2-3)

Ang kapayapaan natin ay magiging “gaya ng ilog” at ang katuwiran natin ay magiging “gaya ng mga alon sa dagat” (Isa 48:18b; lv 199 ¶8)

Sister na naglalakad sa beach habang papalubog ang araw.

IBIG SABIHIN: Ang salitang Hebreo na isinaling “kapayapaan” ay maaaring magtawid ng ideya ng kalusugan, kaligtasan, katiwasayan, kabutihan, pagkakaibigan, at kabuoan o kalubusan.

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Isa 49:8—Ano ang tatlong katuparan ng hulang ito? (it “Kaayaayang Panahon” ¶1-3)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Isa 48:​9-20 (th aralin 11)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Imbitahan sa espesyal na pahayag at Memoryal ang isang di-aktibong kamag-anak. (lmd aralin 5: #3)

5. Pakikipag-usap Muli

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Nag-iisip dumalo sa Memoryal ang kausap mo. Ipaliwanag sa kaniya kung ano ang nangyayari sa Memoryal. (lmd aralin 9: #3)

6. Pakikipag-usap Muli

(5 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Pagkatapos ng pahayag sa Memoryal, sagutin ang mga tanong ng isang interesado. (lmd aralin 8: #3)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 107

7. Makinabang sa Pinakamahalagang Araw ng Taon

(15 min.) Pagtalakay.

Kapag dumadalo tayo sa Memoryal taon-taon, ipinapakita nating sumusunod tayo sa utos ni Jesus at na pinapahalagahan natin ang regalong pantubos ni Jehova. (Luc 22:19) Ipinapaalala rin sa atin ng okasyong ito kung gaano tayo kamahal ni Jehova at ng Anak niya. (Gal 2:20; 1Ju 4:​9, 10) Paano natin maihahanda ang puso natin para sa Memoryal at maipapakitang pinapahalagahan natin ang pantubos? At paano natin matutulungan ang mga interesado na magawa rin iyan?

  • Basahin at pag-isipan ang mga tekstong nakaiskedyul sa pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal

  • Pag-isipan ang regalong pantubos at kung paano mo maipapakita sa buhay mo na pinapahalagahan mo ito

  • Lubusang makibahagi sa kampanya. Imbitahang dumalo sa espesyal na pahayag at Memoryal ang mga kakilala mo, kamag-anak, at mga tao sa teritoryo

  • Maging palakaibigan at batiin ang mga dumalo sa Memoryal. Asikasuhin ang mga inimbitahan mong dumalo. Pero kapag may napansin kang dumalo dahil nakatanggap sila ng imbitasyon, tulungan din sila at tabihan sila kung posible

  • Maging handang sagutin ang mga tanong ng mga bisita

  • Maging handang kumustahin ang mga inactive. Dapat na maging mas handa ang mga elder na batiin ang mga inalis sa kongregasyon

Eksena mula sa video na “Si Jesus ay ‘Dumating . . . Upang Hanapin at Iligtas ang Nawala.’ ” Ang mga kapatid ay nagpapatibayan sa loob ng Kingdom Hall sa gabi ng Memoryal.

I-play ang VIDEO na Si Jesus ay “Dumating . . . Upang Hanapin at Iligtas ang Nawala.” Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit mahalagang batiin ang mga di-aktibo na dumalo sa Memoryal?

    Eksena mula sa video na “Si Jesus ay ‘Dumating . . . Upang Hanapin at Iligtas ang Nawala.’ ” Inactive na sister na niyayakap ng isang sister sa Memoryal.

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) lfb aral 72-73

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 134 at Panalangin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share