Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Hunyo 30, 2014.
Bakit napakahalagang isaalang-alang ang simulaing nasa Exodo 23:2 kapag pumipili ng libangan? [Mayo 5, w11 7/15 p. 10-12 par. 3-7]
Gaano kaseryoso ang utos sa mga saserdote na maghugas bago maghandog ng mga hain kay Jehova? Bakit matibay na paalaala ito para sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon? (Ex. 30:18-21) [Mayo 19, w96 7/1 p. 9 par. 9]
Bakit hindi pinarusahan si Aaron sa paggawa ng ginintuang guya? (Ex. 32:1-8, 25-35) [Mayo 19, w04 3/15 p. 27 par. 4]
Ano ang pagkakatulad ng pangmalas ng mga Kristiyano sa pagliligawan at pag-aasawa at ng pagbabawal ng Diyos sa mga Israelita na mag-asawa ng mga sumasamba sa ibang diyos? (Ex. 34:12-16) [Mayo 26, w89 11/1 p. 20-21 par. 11-13]
Bakit nakapagpapatibay sa atin ang karanasan nina Bezalel at Oholiab? (Ex. 35:30-35) [Mayo 26, w10 9/15 p. 10 par. 13]
Ano ang ipinaaalala ng “banal na tanda ng pag-aalay” na nasa turbanteng isinusuot ng mataas na saserdote ng Israel? Ano ang itinuturo ng tandang ito tungkol sa pag-aalay? (Ex. 39:30) [Hun. 2, w01 2/1 p. 14 par. 2-3]
Ano ang pananagutan ng lahat ng Kristiyano tungkol sa pagbibigay-alam sa malubhang pagkakasala ng isang kapuwa Kristiyano? (Lev. 5:1) [Hun. 9, w97 8/15 p. 27]
Ano ang mahalagang papel ng haing pansalu-salo noong panahon ng Israel? Ano ang isinasagisag nito para sa atin ngayon? (Lev. 7:31-33) [Hun. 16, w12 1/15 p. 19 par. 11-12]
Ano ang naging kasalanan ng mga anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu? Anong mga aral ang matututuhan natin sa ulat na ito? (Lev. 10:1, 2, 9) [Hun. 23, w04 5/15 p. 22 par. 6-8]
Bakit nagiging “marumi” ang isang babae dahil sa panganganak? (Lev. 12:2, 5) [Hun. 23, w04 5/15 p. 23 par. 2]