Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Noong Hulyo, talagang naging abala ang mga mangangaral ng Kaharian. Kaya mayroon tayong bagong peak ng mga mamamahayag—188,701. Ito ay mas mataas nang 5.7 porsiyento kaysa sa average noong nakaraang taon. Mataas din ang bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya—236,508. Ito ay mas mataas nang 27,234 kumpara noong nakaraang taon. Nagpapasalamat tayo sa “Panginoon ng pag-aani” dahil pinagpapala niya ang gawain ng mga manggagawa sa bukid.—Mat. 9:37, 38.