Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/05 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 8/05 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Agosto: Maaaring ialok ang alinmang brosyur. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Kung tanggihan ng mga may-bahay ang alok na aklat, ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, pakisuyong iharap ang brosyur na Hinihiling. Nobyembre: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sabihin ng may-bahay na wala silang anak, ialok ang aklat na Kaalaman o ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya?

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Ipatalastas ito sa kongregasyon kapag nagawa na ito.

◼ Ang taunang imbentaryo ng lahat ng literatura at magasing hawak ng kongregasyon ay dapat isagawa sa Agosto 31, 2005, o sa petsang di-lalayo rito hangga’t maaari. Ang imbentaryong ito ay katulad ng aktuwal na pagbibilang na ginagawa buwan-buwan ng literature coordinator, at ang kabuuan nito ay dapat itala sa form na Literature Inventory (S-18). Ang kabuuang bilang ng hawak na mga magasin ay dapat kunin mula sa (mga) lingkod ng magasin. Dapat pangasiwaan ng kalihim ng coordinating congregation ang imbentaryo. Siya at ang punong tagapangasiwa ng coordinating congregation ang pipirma sa form. Ang bawat coordinating congregation ay makatatanggap ng tatlong form na Literature Inventory (S-18) kalakip ng statement ng Hunyo. Pakisuyong ipadala ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang isang kopya para sa inyong salansan. Ang ikatlong kopya ay maaaring gamitin bilang work sheet.

◼ Makatatanggap ang bawat kongregasyon ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10) kalakip ng statement ng Hunyo. Ang form na ito ay tumpak at masinop na pupunan ng kalihim ng kongregasyon, at pagkatapos ay dapat na maingat na suriin ito ng komite sa paglilingkod. Itatala sa likod ng form na ito ang lahat ng regular pioneer, lakip na ang kabuuang oras nila sa nakalipas na taon ng paglilingkod. Ang orihinal na kopya ng form na ito ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang ikalawang kopya sa inyong salansan.

◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga order para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2006 at 2006 Calendar. Magpapadala kami ng isang special order blank para sa dalawang ito kalakip ng statement ng Hunyo. Kung mahigit sa isang kongregasyon ang gumagamit ng Kingdom Hall, ang order ng bawat kongregasyon ay kokolektahin ng literature coordinator at pagsasama-samahin sa isang order blank na ipadadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Agosto 15, 2005.

◼ Bagong Makukuhang DVD:

Young People Ask: What Will I Do With My Life?—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share