Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 6/1 p. 8
  • Ginagamit ang Bawat Pagkakataon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ginagamit ang Bawat Pagkakataon
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Pinuri ang Nag-aaral na mga Batang Saksi
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • ‘Sumasa-Kanila ang Kamay ni Jehova’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Pagpapatotoo sa Paaralan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 6/1 p. 8

Report ng mga Tagapaghayag ng Kaharian

Ginagamit ang Bawat Pagkakataon

ANG mga Saksi ni Jehova ay kilala sa buong daigdig dahil sa kanilang gawaing pagtuturo ng Bibliya. Subalit sila ay nagsasagawa rin ng mga programang nagdudulot ng iba pang pakinabang sa lipunan. Ang paglilingkod-bayang ito ay tinanggap na mainam, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga karanasan mula sa Ecuador.

◻ Ang pangasiwaan ng isang malaking pabrika ng salamin ay gustong magsaayos ng isang kurso tungkol sa mga simulaing pampamilya para sa kanilang mga empleado. Inanyayahan ng direktor ng kayamanang pantao ang ilang paring Katoliko upang makibahagi ngunit walang tugon. Sinabi sa kaniya ng isang pari na kakaunting pari ang kuwalipikadong magpahayag tungkol sa paksang nabanggit at malamang na walang makukuhang pari upang magpahayag. Nang marinig ito, isang empleadong Saksi ang nagsaayos upang dumalaw sa pabrika ang isang kapatid na lalaki na madalas gumawa sa mga dako ng negosyo.

Kinabukasan, nilapitan ng Saksi ang direktor ng kayamanang pantao taglay ang isang mungkahing kurso sa pag-aaral. Isang talaan ng mga paksa ang hinalaw mula sa iba’t ibang publikasyon ng Samahang Watch Tower. Humanga ang direktor. Pinili niya ang tatlong paksang tatalakayin​—mga kaugnayang pantao, etika sa trabaho, at etika sa pamilya. Saka gumawa ng mga kaayusan upang talakayin ang impormasyon na kasama ng lahat ng manggagawa.

Ang mga empleado ay hinati sa pitong grupo ng tig-30, kung saan iniharap ng tatlong kuwalipikadong mga kapatid na lalaki ang impormasyon sa kanila. Ano ang mga resulta? Maraming empleado ang humiling na sila’y dalawin sa kanilang tahanan, at 216 na pantulong sa pag-aaral ng Bibliya ang naipasakamay. Gayon na lamang ang paghanga ng pangasiwaan anupat tinanong nila kung makapaghahanda ba ang mga Saksi ng isa pang serye ng mga diskurso.

◻ Kamakailan lamang, ang Ecuador ay nagpasa ng isang batas na nagpapahintulot na magturo ng relihiyon sa mga paaralan. Isang misyonerong sister ang dumalaw sa isang babaing superintendente ng isang paaralang primarya at nagtanong kung paano napatutupad ang bagong batas. Ang superintendente ay nagpaliwanag na sinubukan nilang simulan ang isang programa tungkol sa pagsamba kay Maria ngunit walang nangyari. Nang sabihin ng sister na ang gayong pagsamba ay maaaring magharap ng problema para sa mga batang hindi Katoliko, sumang-ayon ang superintendente. “Gayunman,” sabi ng misyonero, “mayroon kaming isang programa para sa pagtuturo ng moral na mga simulain mula sa Bibliya na hindi nag-oobliga sa isang tao na tanggapin ang isang partikular na relihiyon.” Ang superintendente ay tumugon: “Kailan ka maaaring pumunta? Sa makalawa?” Matapos ipakita sa kaniya ng misyonero ang aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro, napagpasiyahan na tatalakayin nila ang kabanata na “Maligaya ang mga Mapayapa.”

Pagbalik niya, ang misyonero ay gumugol ng tatlong oras sa pagdalaw sa pitong iba’t ibang silid-aralan na kasama ang superintendente na nakikinig. Pagkatapos ng isang sesyon sa isang klase ng mga nasa ikalimang baitang, isa sa mga estudyante ang nagsabi: “Miss, tiyakin po ninyong dumalaw sa ikaanim na baitang. Lagi po nila kaming binubugbog at sila po ang nagsisimula ng away!” Isang guro ang nagsabi: “Isang mahalagang paksa ang karahasan. Kailangan namin ng higit na panahon upang talakayin ang paksang ito.”

Gumawa ng mga kaayusan para sa mga pagdalaw-muli sa paaralan upang talakayin ang mga paksang gaya ng pagsunod at pagsisinungaling. Hanggang sa ngayon, ang mga resulta ay totoong positibo. Ngayon kapag ang misyonerong sister ay naglalakad sa lansangan, ang mga bata ay tumatakbo upang batiin siya at magtanong mula sa Bibliya. May pagmamalaking ipinakikilala siya ng iba sa kanilang mga magulang. Bukod pa riyan, isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan sa dalawang batang mag-aaral.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share