Pakisuyong Samahan Kami sa Isang Pantanging Okasyon sa Sabado, Abril 11, 1998
MALUGOD na nag-aanyaya sa inyo ang mga Saksi ni Jehova na alalahaning kasama nila ang pagkakaloob ng Diyos ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Binuksan ng kaloob na ito sa sangkatauhan ang pag-asa na magtamasa ng walang-hanggang buhay sa lupa.—Juan 3:16.
Sa taong ito ang Memoryal ng kamatayan ni Jesus ay idaraos pagkalubog ng araw sa Sabado, Abril 11. Ang petsang ito ay katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya. Pakisuyong makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong dako at oras ng pagpupulong.