Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 3/1 p. 32
  • Pinuri ang Isang “Pambihirang” Kombensiyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinuri ang Isang “Pambihirang” Kombensiyon
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 3/1 p. 32

Pinuri ang Isang “Pambihirang” Kombensiyon

MAY seryosong pag-aalinlangan ang isang tagapagbalita sa radyo sa Lima, Peru, tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Subalit pagkatapos madaluhan ang isa sa kanilang mga pandistritong kombensiyon, lubhang nagbago ang kaniyang saloobin. Sa katunayan, gayon na lamang ang paghanga niya anupat nagbigay siya ng magagandang komento sa kaniyang mga tagapakinig sa radyo. Ang sumusunod ay bahagi ng kaniyang sinabi:

“Talagang pambihira ang kombensiyon. Wala ni isang piraso ng papel sa sahig ni isang tindero sa paligid. Walang buhul-buhol na trapiko. Limang libo dalawang daan katao ang pumunta sa istadyum sa sarili nilang gastos, bawat isa’y may dalang timba, basahan, pamunas, dustpan, walis, brotsa, guwantes, at sabon upang linisin at iskobahin ang lugar na iyon. Kung may kailangang pintahan, pinintahan nila iyon. At kanino nanggaling ang salapi? Sa kanila mismo! Nang ipabatid sa kanila ang tungkol sa isang bagay na kailangang gawin, lahat sila ay agad na nag-aabuloy. Sa totoo lang, natutulog ang Simbahang Katoliko pagdating sa gayong mga bagay. Ibig kong batiin ang mga Saksi ni Jehova at ang mga tagapag-ugnay sa okasyong ito. At ibig kong sabihin sa kanila mula sa kaibuturan ng aking puso, Tulungan at pagpalain nawa kayo ng Diyos.”

Sa mga lunsod sa buong daigdig sa taong ito, idaraos ng mga Saksi ni Jehova ang “Landas ng Diyos sa Buhay” na Pandistritong Kombensiyon. Naroroon ka kaya?

[Blurb sa pahina 32]

“Wala ni isang piraso ng papel sa sahig”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share