Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 1/15 p. 32
  • Matahimik na Pinuri ng mga Ito ang Maylalang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matahimik na Pinuri ng mga Ito ang Maylalang
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 1/15 p. 32

Matahimik na Pinuri ng mga Ito ang Maylalang

ANG mga paglubog ng araw ay likas na kahanga-hanga. Subalit ang tanawin ng araw na lumulubog sa likod ng natatanging bundok na ito sa Apuan Alps sa Tuscany, Italya, ay totoong kakaiba.

Kung titingnan sa malayo, waring ang araw ay bumababa papasok sa loob ng bundok sa halip na bumababa sa likuran nito. Bakit? Sapagkat ang taluktok ng bundok ay may natural na balantok na waring inuka sa bundok. Sa katunayan, ang taluktok na ito ay pinanganlang Monte Forato​—ang Binutas na Bundok. Dahil sa pag-ikot ng lupa sa palibot ng araw, dalawang beses lamang sa isang taon makikita niyaong mga tumitingin sa balantok ang araw na waring bumababa sa loob ng Monte Forato.

Tulad ng ibang tanawin ng paglalang, pinupuri ng walang-buhay na sangkalangitan ang Maylalang nito. Paano? Sa paraang katulad ng papuring maidudulot ng isang magandang larawan sa pintor na gumuhit nito. Sa gayunding paraan, ang mga bagay sa langit ay nagsasalita tungkol sa kapangyarihan, karunungan, at karingalan ni Jehova. Gaya ng pagkasabi ng salmista, “ang mga langit ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ang kalawakan ay nagsasabi ng tungkol sa gawa ng kaniyang mga kamay.” (Awit 19:1; 69:34) Yamang ang araw at ang ibang di-nabubuhay na bagay ay pumupuri sa Maylalang ng mga ito, lalong higit na dapat nating gawin iyon!​—Awit 148:1, 3, 12, 13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share