Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 4/1 p. 32
  • Magkakasabay sa Loob ng Sampung Taon!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkakasabay sa Loob ng Sampung Taon!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 4/1 p. 32

Magkakasabay sa Loob ng Sampung Taon!

NANG tanungin kung ano ang kaniyang nadama sampung taon na ngayon ang nakalipas nang ang edisyong Kastila ng Ang Bantayan ay simulang ilathala na kasabay ng edisyong Ingles, isang minamahal na sister na Kastila ang tumugon: ‘Aming inaakala na ito ay isang pagpapala sapagkat ngayon ay pareho na tayo, papaano mo sasabihin, kaalinsabay ng Ingles. Pagka sinabi kong Ingles, laging ang iniisip ko ay ang organisasyon. Tinutukoy namin ang organisasyon bilang “Nanay.” Aming nadarama na kami’y may malapit na samahan. Ito’y maganda. Ito’y kagila-gilalas!’

Ang tapat na sister na ito ay nagpahayag ng damdamin ng maraming di-bumabasa ng Ingles. Nang mga taóng nakalipas, may mga artikulong napalathala sa edisyong Kastila ng Ang Bantayan mga anim na buwan makalipas na ilathala ang mga ito sa Ingles. Ang ibang wika ay nakaranas ng nakakatulad na pagkaantala. Mauunawaan naman, may matinding pagnanasang ilathala ang kaparehong materyal, sa parehong panahon, sa maraming wika.

Kaya pasimula sa labas ng Abril 1, 1984, ang edisyong Kastila ang unang-unang naging kasabay ng edisyong Ingles. Hindi nagtagal at sumunod ang ibang mga wika. Sa pagpapasimula ng 1985, ang mga edisyon sa 23 wika ay magkakasabay na. Samantalang natatagpuan at nasasanay ang mga tagapagsalin, ang mga edisyon sa higit pang mga wika ay nakaalinsabay ng Ingles.

Ang labas na ito ng Ang Bantayan ang ikasampung taon ng magkakasabay na paglalathala. Ang Bantayan ay inilalathala na ngayon sa 116 na wika, 85 sa mga ito ay sabay-sabay. Ito’y nangangahulugan na 99.3 porsiyento ng kabuuang aberids na produksiyon na 16,100,000 sipi ng Ang Bantayan ay binubuo na may magkakaparehong disenyo ang pabalat at mga artikulo. Sa mga dumadalo sa lingguhang Pag-aaral ng Bantayan, mahigit na 95 porsiyento ang nag-aaral ng kaparehong materyal sa kaparehong panahon.

Ang Gumising!, na kasamahang magasin ng Ang Bantayan, ay inilalathala nang magkakasabay sa 37 ng 74 na wika nito. Ang taunang Yearbook of Jehovah’s Witnesses ay inilalathala sa 18 wika. Ang gayong magkakasabay na paglalathala ay nagsisilbing tagapagkaisa sa bayan ng Diyos “sa iisang pag-iisip at sa iisang takbo ng kaisipan.”​—1 Corinto 1:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2026)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2026 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share