Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
Si Ian Boyne, ang manunulat sa relihiyon para sa The Sunday Gleaner, Jamaica, West Indies, ay tumalakay ng isang kamakailang brosyur na lathala ng mga Saksi ni Jehova, na isang bahagi’y nagsasabi:
“Ang mga Saksi ay karapat-dapat bigyan ng ‘A’ para sa dokumentong ito na, bagaman simpleng-simpleng isinulat na anupa’t mababasa ng isang tinedyer, ay pinatitibayan—walang labis—ng mga sinipi buhat sa kilalang mga iskolar at mga mapagkukunan. . . . Ang lathalaing Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad? ay isang obra maestra ng mga Saksi at ngayon walang Trinitarian—o binatarian—ang ligtas. Sa pulyeto ay pinagsunud-sunod ang mga sinipi buhat sa historikal at teolohikal na mga lathalain upang ipakita na ang doktrina ng Trinidad ay hindi kuha sa Bibliya. Ito’y sumisipi sa may autoridad na Encyclopedia of Religion at nagsasabi, ‘Ang mga teologo ay sumasang-ayon na pati na rin ang Bagong Tipan ay maliwanag na hindi nagtuturo ng Trinidad.’ ”
Isa pang puna ni Boyne: “Napakahirap para sa manunulat na ito ng relihiyon na makita kung papaanong ang karaniwan—o kahit na yaong nakahihigit sa karaniwang miyembro ng simbahan—ay makasasagot sa nakahihikayat at nagmamandong mga argumento na tinipon ng mga Saksi laban sa paniwala na si Jesus ay Diyos.”
Kung ibig ninyong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ito, pakisuyong sulatan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Nais ko pong tumanggap ng 32-pahinang brosyur na Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad? (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)
[Picture Credit Lines sa pahina 32]
Musée du Louvre, Paris
Museo Egizio, Turin
Musée des Beaux-Arts de Troyes
Museo Bardini, Florence
Musée du Louvre, Paris