“Hindi Ka Makakakita Saanman ng Aklat na Gaya Nito”
Isang guro sa paaralan sa Ohio, E.U.A., ang nagsabi nang ganiyan nang matanggap niya ang aklat na “All Scripture Is Inspired of God and Beneficial.” Isang high school senior ang nagbigay nito sa guro dahilan sa nagtanong ang guro ng ilang mga impormasyon tungkol sa mga Saksi ni Jehova, at batid ng estudyante na siya’y nagtuturo ng mga klase sa Bibliya. Binanggit ng estudyante ang tugon ng kaniyang guro nang tanggapin ang aklat:
“Siya’y tuwang-tuwa. Sinabi niya na siya’y naghahanap ng isang aklat na katulad niyaon. Siya’y nagpasalamat sa akin nang ganiyan na lamang. Kinabukasan ay lalo siyang natuwa. Binigyan niya ako ng isang kalatas na nagpapasalamat at sinabi niyang napakahusay ng aklat. ‘Hindi ka makakakita saanman ng aklat na gaya nito!’ ang sabi niya. ‘Lahat ay organisadung-organisado. Natitiyak kong ito’y pakikinabangan sa aking mga klase.’”
Ang aklat na “All Scripture Is Inspired of God and Beneficial” ay sumasagot sa daan-daang mga tanong tungkol sa Bibliya. Ito’y may 78 kabanata, kasali na ang isa sa bawat isa sa 66 na aklat ng Bibliya. Ito’y may matigas na pabalat; 352 pahina, kasinlaki ng magasing ito. Ito’y ₱42 lamang.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng “All Scripture Is Inspired of God And Beneficial.” Ako’y naglakip ng ₱42.