Ang Gabi na Dapat Alalahanin
LINGGO, MARSO 23, 1997
NOONG gabi bago siya mamatay, pinasimulan ni Jesu-Kristo kasama ng kaniyang mga apostol ang Memoryal ng kaniyang kamatayan. Sa isang simpleng hapunan na doo’y gumamit siya ng alak at tinapay na walang lebadura bilang mga sagisag, nag-utos si Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Ang mga Saksi ni Jehova ay malugod na nag-aanyaya sa iyo na makibahagi sa kanila sa pag-alaala sa taunang Memoryal na ito. Ito’y gaganapin sa taóng ito paglubog ng araw sa Linggo, Marso 23, ang petsa na katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya. Pakisuyong itanong sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lugar na pagdarausan.